MANILA, Philippines - Hindi na dapat ituloy ng Land Transportation Office (LTO) ang implementasyon ng Plate Standardization o ang pagbibigay ng bagong plaka sa mga sasakyan dahil dagdag gastos lamang umano ito, ayon kay George San Mateo, national president ng militanteng transport group na Piston.
Ang bagong plaka ay may bar code at may tatlong letra at apat na numero na mas kakaiba sa lumang car plates na may 3 alphabet at 3 numbers.
Binigyang diin ni San Mateo na dapat ayusin muna ng DOTC at LTO ang sistema ng ahensiya bago simulan ang implementasyon ng Plate Standardization.
Hindi rin malinaw sa kanila batay sa nakuha niyang draft copy ng plate standardization kung ang mga dati ng sasakyan ay kukuha pa ng bagong plaka at kung buo ang bayad para rito.
Niliwanag nito na kapag kumukuha ng driver’s license na replacement sa nawalang lisensiya ay kalahati lamang ang ibinabayad kayat dapat anya ay halaga lamang para sa replacement ng car plate ang ibabayad sa mga bagong plaka na ibibigay sa mga sasakyan na may dati ng plaka.
Ang bagong plaka na may 3 letra at 4 na numero ay may halagang P500.00