College profs. kabado sa K-12
MANILA, Philippines - Dismayado ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) matapos walang konkretong kinahinatnan ang pakikipagdayalogo sa Department of Labor and Employment (DOLE) noong Araw ng Kalayaan.
Ayon kay ACT Rep. Antonio Tinio, nais lamang nilang mailahad ng ilang guro sa kolehiyo ang kanilang pangambang mawalan ng trabaho dahil sa K-12 program.
Sinabi ni Tinio na waÂla naman anya silang napalang siguradong benepisyo dahil tumanggi pa ang Bureau of Labor Relations (BLR) na ilabas ang hinihingi nilang guidelines sa transition ng K-12.
“Inilahad ng mga private school professors ‘yung sitwasyon sa kanilang school, ‘yung bantaan ng tanggalan, posibilidad na mawala ang kanilang kabuhayan at ‘yung mga benepisyo sa kanilang pamilya,†ani Tinio.
Isa sa mga hinihingi ng professors ay guidelines na ilalabas ng DOLE, Commission on Higher Education at iba pa.
Paliwanag ng ACT, importante ang guidelines dahil nakasaad dito kung retrenchment o redundancy ang magiging dahilan ng tanggalan.
“Pagka retrenchment, ibig sabihin tanggalan dahil sa malulugi ‘yung negosyo, mas maliit ang tatanggaping separation pay... Pagka redundancy naman ang ituturing na mangyayari under K-12... mas malaki ang separation pay ng mga tatanggaling faculty,†paliwanag ng ACT representative.
Dahil sa kawalan ng konkretong resulta, sunod na ihihirit ng ACT na makadayalogo mismo si DOLE Sec. Rosalinda Baldoz.
Nanganganib na mawalan ng trabaho ang ilang propesor dahil dalawang taon ding mawawalan ng estudÂyante ang mga kolehiyo at unibersidad, alinsunod sa pagpasok pa sa Grade 11 at 12 o senior high school ng mga estudyante sa ilalim ng K-12 program.
- Latest