MANILA, Philippines - Nai-raffle na sa Sandiganbayan ang mga kasong plunder at graft nina Senators Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla kaugnay ng multi-bilyong pork barrel scam.
Sa 3rd Division na pinamumunuan ni Justice Amparo Cabotaje-Tang napunta ang isang plunder case at 15 graft cases ni Enrile.
Dahil nag-inhibit naman si Justice Gregory Ong ng 4th Division, lumundag sa 5th Division ang raffle at napunta rito ang isang kasong plunder at 11 kasong graft ni Estrada. Hawak ni Justice Roland Jurado ang 5th Division.
Napunta naman sa 1st Division ni Justice Efren dela Cruz ang isang plunder case at 16 graft cases ni Revilla.
Ngayong nai-raffle na ang mga kaso ng natuÂrang mga mambabatas, magdedesisyon na ang Sandiganbayan kung dapat nang magpalabas ng warrant of arrest laban sa mga akusado.
Ito ay sa kabila na hinihintay pa rin ng Sandiganbayan kung ano ang magiging desisyon ng Korte Suprema sa hiling ng tanggapan ng Ombudsman na bumuo ito ng dalawang special divisions na hahawak sa lahat ng pork barrel cases na nakasampa sa graft court.
Sakaling katigan ito ng SC, ililipat na lamang doon ang mga kaso ng tatlong senador at iba pang personalidad katulad ni Janet Lim Napoles na itinuturong “utak†ng pork barrel scam.
Samantala, hindi agad-agad maaaresto sina Enrile, Estrada at Revilla kahit nai-raffle na ang kasong plunder at graft ng tatlong mambabatas.
Ito ayon kay Sandiganbayan executive clerk of court Renato Bocar ay dahil may 10 araw pa ang mga justices para pag-aralan ang naturang kaso.
Pero hindi aniya ibig sabihin na pagkatapos ng 10 araw ay maglalabas kaagad ng arrest warrant ang graft court dahil baka kailangan pa ng mga Sandiganbayan justices ng panahon para pag-aralan ang naturang mga kaso.