^

Bansa

Lemon Law aprub sa Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakalusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang panukalang batas na naglalayong proteksiyunan ang mga consumers mula sa mga sinasabing “lemon” o mahinang klase ng mga sasakyan.

Ang Senate Bill 2211 na tatawaging Lemon Law kapag na­ging ganap na batas ay mula sa mga pinagsa-samang panukala nina Senators Cynthia Villar at Jinggoy Estrada, at co-author din si Sen. Koko Pimentel.

 Si Sen. Bam Aquino, chair ng committee on Commerce and Entrepreneurship ang nagtanggol ng panukala sa plenaryo.

Nakasaad dito na ang mga bagong sasakyan ay dapat magkaroon ng warranty sa loob ng 12 buwan mula sa petsa ng bilhin ito o hanggang sa 20,000 kilometers ng operasyon depende kung alin ang mauna. Hindi bababa sa P100,000 multa ang ipapataw sa isang manufacturer, distributor o dealer na lalabag sa probisyon ng “resale disclosure” ng isang sasakyan.

Hindi sakop sa mga dahilan ng “non-conformity” ang hindi pagsunod ng consumer sa kanyang obligasyon sa ilalim ng warranty; modifications o hindi awtorisadong magsasaayos ng sasakyan ng hindi awtorisado ng manufacturer, distributor, authorized dealer o retailer; abuso sa paggamit o kapabayaan ng consumer sa bagong motor vehicle at damage dahil sa aksidente o kalamidad.

ANG SENATE BILL

BAM AQUINO

COMMERCE AND ENTREPRENEURSHIP

JINGGOY ESTRADA

KOKO PIMENTEL

LEMON LAW

SENATORS CYNTHIA VILLAR

SI SEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with