^

Bansa

7 GOCC’s nagpasok ng P32.31-B sa gobyerno

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pitong Government Owned and Controlled Corporations (GOCC’s) ang nagpasok ng uma­bot sa P32.31 bilyon na dibidendo sa gobyerno na kanilang kinita nitong 2013.

Pinasalamatan ni Pa­ngulong Benigno Aquino III ang mga GOCC’s sa kontribusyon nila sa gob­yerno upang tustusan pa ang mga programa at proyekto ng pamahalaan.

“Winakasan na po natin ang kultura ng hokus-pokus at palaka­san sa GOCC’s, talaga nga pong malayo na ang ating narating sa ating paglalakbay sa tuwid na landas,” wika pa ni Pa­ngulong Aquino.

Ang mga miyembro ng billionaires club sa taong ito ay ang Philippine Deposit and Insurance Corporation (PDIC)-P1.05 bilyon; Philippine Ports Authority (PPA)-P1.42 bilyon; Philippine National Oil Company-Exploration Corporation-P1.5 bilyon; Manila International Airport Authority (MIAA)-P1.58 bilyon; Bases Conversion Development Authority (BCDA)-P2.108 bilyon; Power Assets and Liabilities Management Corporation (PSALM)-P1.5 bilyon; Development Bank of the Philippines (DBP)-P3.62 bilyon; Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor)-P4.093 bilyon at Land Bank of the Philippines (LBP)-P6.3 bilyon.

Binigyan naman ng pagkilala ng Gover­nance Commission ang mga GOCC’s na Duty Free Philippines Corporation, Philhealth, Social Security System (SSS), Government Service Insurance System (GSIS), PAG-Ibig fund at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa naging tulong nito sa gobyernong Aquino.

Tinanggap ni Pangulong Aquino ang kabuuang dividends at remittance ng 49 GOCC’s sa gobyerno para sa 2013 na may kabuuang P32.31 bilyon na mas mataas kumpara sa dividends noong 2012.

 

AQUINO

BASES CONVERSION DEVELOPMENT AUTHORITY

BENIGNO AQUINO

BILYON

DEVELOPMENT BANK OF THE PHILIPPINES

DUTY FREE PHILIPPINES CORPORATION

GOVERNMENT SERVICE INSURANCE SYSTEM

LAND BANK OF THE PHILIPPINES

MANILA INTERNATIONAL AIRPORT AUTHORITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with