Boy Logro bagong TESDA ambassador

Boy Logro

MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ni TESDA director-general Joel Villanueva na magsisilbing inspirasyon sa ibang professionals ang pagiging TESDA ambassador ng sikat na chef na si Boy Logro.

Sinabi ni Sec. Villanueva, nagpapasalamat siya kay Chef Boy Logro sa pagtanggap nito na maging professional ambassador ng TESDA.

Aniya, inaasahan niyang magiging huwaran ng ibang Filipino ang tinamasang tagumpay ni Chief Boy Logro na nagsikap sa buhay hanggang sa umangat.

“Naniniwala ako na tulad ng maraming Filipino na magsisikap lamang sa buhay ay magtatagumpay din sila tulad ni Chef Boy Logro”, dagdag pa ni Sec. Villanueva.

Wika pa ng TESDA chief, hindi hadlang ang pagi­ging mahirap upang makamit ang tagumpay lalo’t naririto ang iba’t ibang programa ng TESDA na puwedeng maging tuntungan ng bawat Filipino upang umangat sa buhay tulad ni Boy Logro.

“Sana samantalahin ng bawat Filipino ang pagkakataon at kumuha ng mga kurso sa TESDA na siguradong magiging behikulo nila sa pagtatagumpay sa buhay,” dagdag pa ni Villanueva.

Aniya, dapat tandaan ng bawat Filipino na sa “TESDA may choice ka” ng gusto nilang kuning kurso na kanilang magiging career sa kinabukasan.

Inalok din ni Villanueva ang mga dating scholars ng mga kongresista na kumuha na lamang ng mga kurso sa TESDA.

 

Show comments