MANILA, Philippines - Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon na kumukuwestiyon sa legalidad ng paglikha sa tanggapan na pinamumunuan ni dating senador at ngayon ay Rehabilitation Czar Panfilo Lacson.
Sa Supreme Court en banc session kahaÂpon, pinawalang-saysay ang apela ng nagpapakilalang taxpayer na si Louis Biraogo sa itinatag na tanggapan ni Pangulong Aquino para kay Lacson dahil hindi naman ito nakitaan ng pag-abuso sa panig ng Pangulo nang ipalabas ang Memorandum Order No. 62 na lumikha sa Office of the Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery.
Sa petition for certiorari ni Biraogo, tinukoy nito na nilalabag ng Memo 62 ang Republic Act 101-21 na lumikha sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.
Naniniwala si Biraogo na hindi na kailangan pang lumikha ng bagong tanggapan ang Pangulo para tutukan ang post-disaster rehabilitation programs ng gobyerno.
Maituturing din umano na ang Memo 62 ay pagsapaw sa legislative power ng Kongreso na nagpasa sa RA 101-21.
Hindi rin umano maaÂring iatang ng Pangulo sa bisa ng Memo 62 sa isang presidential assistant ang kapangyarihan na ginagampanan ng Secretary of Defense sa ilalim ng RA 101-21 na nagtatalaga sa kanÂya nilang pinuno ng NDRRMC.