^

Bansa

5M walang bahay

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umabot na sa limang milyon ang kulang na bahay o housing backlog sa buong bansa.

Dahil dito kaya nagpasaklolo na si Negros Occidental Rep. Albee Benitez, chairman ng committee on Housing and Urban Development sa United Nations Special Rapporteur on Adequate Housing para sa malawakang assessment sa problema ng pabahay sa buong bansa.

Paliwanag ni Benitez mula sa 3 milyon housing backlog noong nakaraang taon ay umaabot na ito sa 5 milyon na maituturing ng isang krisis.

Bunsod nito kaya ino­obliga ng kongresista ang pamahalaan na maglatag ng kumprehensibong plano para lutasin ang kakulangan sa pabahay at hindi palaging band aid solution na lamang.

Paliwanag nito, sa 10 bilyong inilaan sa mga proyekto ng National Housing Authority (NHA) taon-taon ay malayo umanong masolusyunan ang problemang ito dahil mangangailangan ng 150 bilyon piso para matapos ang housing backlog sa loob lamang ng tatlong taon.

ADEQUATE HOUSING

ALBEE BENITEZ

BENITEZ

BUNSOD

DAHIL

HOUSING AND URBAN DEVELOPMENT

NATIONAL HOUSING AUTHORITY

NEGROS OCCIDENTAL REP

PALIWANAG

UNITED NATIONS SPECIAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with