Soliman di palulusutin ni Miriam

MANILA, Philippines - Desidido si Senator Miriam Defensor-Santiago na harangin ang kumpirmasyon ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Corazon “Dinky” Soliman na isasalang sa makapangyarihang Commission on Appointments bukas.

Sa sulat na ipinadala ni Santiago kay Rep. Conrado Estrella III, chair ng Senate Committee on Labor, Employment and Social Welfare ng Commission on Appointments (CA), sinabi ni Santiago na igigiit niya ang Section 20 ng CA Rules para suspindihin ang nominasyon ni Soliman.

Sinabi ni Santiago na kapag ini-invoke na ang Section 20, wala ng puwedeng makipag-debate tungkol sa kumpirmasyon.

Ayon pa kay Santiago, sa simula pa lamang ay kontra na siya sa nominasyon ni Soliman na da­ting mahigpit na kaalyado ni dating Pangulong Gloria Arroyo pero biglang nang-iwan at sinabing corrupt ang dati niyang boss.

Naniniwala si Santiago na dapat nagsilbi lamang sa isang presidente si Soliman pero bumaliktad ito sa kanyang dating boss kaya nagsisilbi ngayon sa administrasyon ni Pangulong Aquino.

Show comments