^

Bansa

Raid ng NBI vs jueteng hinarang

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaresto, kinumpiska ang mga baril at ikinulong ng Lasama, Cagayan Police force ang walong ope­ratiba ng National Bureau of Investigation-National Capital Region (NBI-NCR) na nagsagawa ng jueteng operations sa lalawigan nitong Mayo 30.

Gayunman, agad ding pinakawalan ang mga ahente ng NBI, sa pangu­nguna ni NBI Special Investigator Ferdinand Manuel matapos ibasura ng piskalya ang inihaing reklamo laban sa NBI na unlawful arrest, violation of domicile, robbery at grave coercion.

Ito’y kasunod na rin ng pagkumpirma umano ni Cagayan Gov. Alvaro Antonio na lehitimo ang nasabing operasyon. 

Ayon sa NBI insider, ang pagsalakay sa ope­rasyon ng jueteng ay mismong si Gov. Antonio ang humiling sa NBI dahil wala umano itong tiwala sa local police para masawata ang talamak na jueteng sa lugar.

Sa kabila umano na may ipinakitang dokumento o mission order na pirmado ni NBI director Virgilio Mendez, ay hindi ito iginalang ng mga local na pulis at inaresto sila at pinigil sa kampo ng mga pulis.

Sa paliwanag ni C/Insp Eduard Felix, ng Lasam Police, hindi umano nila alam kung mga NBI agents ang mga hinuli nila dahil may nagbigay ng impormasyon sa kanilang police station na may mga armadong lalaki na nagtungo sa lugar at dinukot ang ilang katao kaya umano sila rumes­ponde.

Nabatid na 13 katao kabilang ang ama ng isang konsehal sa lugar ang dinakip ng NBI na sinasabing hinarang naman at inagaw ng mga pulis sa isang checkpoint habang patungo sa NBI-Tuguegarao Regional office.

Ang pagsalakay ay tugon ng NBI sa hiling ni Gov. Antonio dahil sa umano’y kabiguan ng lokal na kapulisan na sugpuin ang lumalalang operasyon ng jueteng.

Sa kanyang sulat sa director ng NBI sa Maynila ay sinabi ni Gov. Antonio na tanging ang mga operatiba na lamang ng Department of Justice ang puwedeng pagkatiwalaan ng kanyang mga ka-lalawigan laban sa nagiging talamak na operasyon ng iligal na sugal.

Sumulat na rin sa NBI kamakailan si Nueva Vizcaya Gov. Padilla kaugnay sa jueteng sa kanyang lalawigan.

Partikular na tinukoy sa reklamong ipinaabot sa mga awtoridad ng ilang opisyales sa mga lalawigan ng Cagayan, Aparri, Tuguegarao, Isabela at Nueva Vizcaya ang kabiguan umano ng pamunuan ni PNP Regional Director Gen. Manuel Laurel na masawata ang iligal na sugal, partikular ang jueteng.

Nakapiit na sa Ballesteros Bureau of Jail Manage­ment and Peno­logy (BJMP) ang mga nada­kip na jueteng personnel at ope­rator.

 

ALVARO ANTONIO

BALLESTEROS BUREAU OF JAIL MANAGE

CAGAYAN GOV

CAGAYAN POLICE

DEPARTMENT OF JUSTICE

INSP EDUARD FELIX

NBI

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with