^

Bansa

Mga estudyante pinagdadala ng payong

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinayuhan ng PAG­ASA ang mga estudyante na papasok sa kanilang paaralan na magdala ng payong o anumang uri ng pa­nanggalang sa ulan dahil posibleng ulanin ang bansa nga­yong linggo.

Ayon kay Leny Ruiz ng PAGASA, mas mainam na ang magdala ng proteksyon sa kanilang katawan laban sa ulan na maaring mangyari sa mga susunod na araw dulot ng mga isolated rainshower at thunderstorm na nararanasan tuwing hapon.

Sa hapon umano nakikita ang pagsasama-sama ng mga ulap sa papawirin at kung saan ito matapat ay saka magdudulot ng pag-ulan.

Gayunman, nilinaw ni Ruiz na hindi pa sumasapit ang tag-ulan dahil sa mga nararanasang tag-init. Pero malapit na anyang humantong ito sa pag-ulan dulot na rin sa mga senyales tulad ng madalas na pag-ulan at pagkulog.

Una na ring ipinaliwanag ng PAGASA na para magdeklara ng tag-ulan, bukod sa pag-iral ng Habagat, kailangang makapagtala ng 25-millimeter rainfall sa tatlong istasyon ng weather bureau sa loob ng tatlong magkakasunod na araw.

Sa weather outlook ng PAGASA, maaaring magkaroon ng pag-ulan sa Hunyo 4-5 sa Metro Manila posibleng dahil sa Habagat.

Sa kasalukuyan, ang intertropical convergence zone pa rin ang nakakaapekto sa Mindanao. Habang ridge of high pressure naman sa eastern section ang nakakaapekto sa Luzon.

Ang Palawan ay ma­ka­karanas ng kaulapan na may mahinang pagkulog-pagkidlat.

Sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ay magiging bahagyang maulap na papawirin na may pulo-pulong pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.

 

vuukle comment

ANG PALAWAN

AYON

GAYUNMAN

HABAGAT

LENY RUIZ

METRO MANILA

PAG

SA METRO MANILA

ULAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with