Napoles pinababalik na sa Fort Sto. Domingo

MANILA, Philippines - Inutos na kahapon ng Makati City Regional Trial Court (RTC) na kaagad ibalik sa kanyang kulu­ngan sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna ang tinaguriang reyna ng pork barrel scam na si Janet Lim Napoles.

Sa pagdinig kahapon sa mosyon ni Napoles na manatili pa sa Ospital ng Makati, nakasaad sa desisyon ni Judge Elmo Alameda ng Branch 150, na ilipat na ng Philippine National Police (PNP) si Napoles sa kulungan nito.

Base ito sa naging pahayag ng mga doktor ng OsMak na si Napoles ay fully recovered na ma­tapos itong sumailalim sa ovarian cyst operation noong Abril 23, 2014.

Nakasaad pa rin sa kautusan ng korte na  ang mga doktor na lamang ni Napoles ang pupunta sa Fort Santo Domingo para sa medical  check-up nito. kailangang bantay-sarado rin si Napoles ng isang nurse na laging susuri sa kanyang votal signs, blood sugar at vaginal bleeding.

Tinanggap at nirespeto naman umano ng kampo ni Napoles ang desisyon ng korte. 

 

Show comments