MANILA, Philippines - Itinanggi ng Malacañang na may kinalaman ito sa pagsasampa ng disqualification kay daÂting Laguna Gov. ER Ejercito.
Ayon kay Presidential spokesman Edwin LaÂcierda, mismong ang desisÂyon ng Commission on Elections (Comelec) ang nagsabi na ang batayan para sa disÂkwalipikasyon ni ER ay ang isinampang kaso dito dahil sa kanyang overspending noong eleksyon.
Sinabi ni Lacierda, malinaw na dapat sumunod sa itinakda ng batas ang sinuman upang hindi makasuhan at matulad sa sinapit ni Ejercito.
Una nang sinabi ni Ejercito na hindi malayong nasa likod ang Palasyo sa kanyang pagkakadisqualify dahil hindi umano siya kasapi ng Liberal Party.