Napoles ginugulo ang ‘pork’ issue
MANILA, Philippines - Nais lamang guluhin ni Janet Lim-Napoles ang totoong istorya sa pork barrel scam.
Ito ang pakiramdam ni Pangulong Aquino kaugnay sa extended affidavit na isinumite ni Napoles sa Senate Blue Ribbon Committee chairman Sen. TG Guingona.
“Bukas tayo sa posibilidad na ang ginagawa lang niya (Napoles) ay guluhin ang istorya. Habang dumadami ang iimbestigahan natin, siguro kaka-imbestiga time’s up na tayo,†wika ng Pangulo sa media interview matapos ang pagdiriwang ng 116 taong anibersaryo ng PhiÂlippine Navy sa Puerto Princesa City, Palawan.
Iginiit ng Pangulo na hihintayin niya ang mga ebidensiya na magpapatunay na dawit sa pork barrel scam ang kanyang mga appointed officials.
Kabilang sa paulit-ulit na isinasangkot sa PDAF scam ay si Budget Sec. Florencio Abad na itinuturing na ‘tutor’ umano ni Napoles.
“I need to see the evidence,†paliwanag ni PNoy ng tanungin kung naniniwala ba siya sa akusasyon ni Napoles laban kay Abad.
Bukod kay Abad ay sabit din sina dating Customs Commissioner Ruffy Biazon at Tesda chief Joel Villanueva.
- Latest