MANILA, Philippines - Isang linggo bago tuluyang magbukas ang klase sa mga pampublikong paaralan, nagtatag ang Department of Education (DepEd) ng mga Public Assistance Stations (PAS) upang matiyak na magiging maayos ang pagbubukas ng School Year 2014-2015.
Sa Twitter account ng DepEd, nabatid na ang public assistance station ay mayroong slogan na “Tara Na! Balik Eskwela Na!â€
Ang mga PAS ay kabilang sa preparatory measures ng DepEd sa pagbubukas ng klase, alinsunod sa DepEd Memorandum 42.
Sa ilalim ng memorandum, ang mga PAS ang siyang magbibigay ng solusyon sa mga problema na karaniwang nangyayari sa muling pagbubukas ng klase sa mga paaralan.
Inaasahang aabot sa 23 milyong elementary at high school students ang inaasahang magbabalik-paaralan sa Lunes, Hunyo 2.