^

Bansa

Napoles maaari ng lumabas ng OSMAK

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ng pamunuan ng Ospital ng Makati (OSMAK), na maaari ng makalabas sa Huwebes, Mayo 29, mula  sa naturang pagamutan ang tinaguriang reyna ng pork barrel scam na si Janet Lim Napoles.

Sa rekomendasyon ni Dr. Florentina Villanueva, isa sa mga doctor ng OSMAK at kasama sa sumubaybay sa nakaraang operasyon, sinabi nito na maaari ng lumabas ng pagamutan si Napoles.

Ang naging rekomendasyon ni Villanueva ay hinggil sa pagpapatuloy nang pagdinig sa motion ni Napoles na mapalawig pa ang pananatili nito sa OSMAK  sa  Makati  City Regional Trial Court (RTC) sa sala ni  Judge Elmo Alameda, Branch 150.

Bukod kay Villanueva, ipinatawag din ng korte si Dr. Perry Ishmael Peralta, director ng OSMAK upang malaman naman kung may basehan ang naging rekomendasyon ni Dr. Efren Domingo, OB-Gynecologist at Oncologist ni Napoles na kailangan pa ng pito hanggang 10 non-bleeding days bago makalabas ang pasyente nito.

Matatandaan, na noong Mayo 21 nang ihirit ng kampo ni Napoles na mapalawig ang pananatili nito sa OSMAK dahil sa internal bleeding matapos itong operahan sa matris noong Abril 23.

ABRIL

CITY REGIONAL TRIAL COURT

DR. EFREN DOMINGO

DR. FLORENTINA VILLANUEVA

DR. PERRY ISHMAEL PERALTA

JANET LIM NAPOLES

JUDGE ELMO ALAMEDA

MAKATI

NAPOLES

VILLANUEVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with