Digital files ni Luy hiningi ng Senado sa NBI, DOJ
MANILA, Philippines — Ipina-subpoena na ng Senate Blue Ribbon Committee ngayong Huwebes ang hard drive ni pork barrel scam whistle-blower Benhur Luy na hawak ng Department of Justice at National Bureau of Investigation.
Iniutos ni committee chairman Senador Teofisto Guingona kina Justice Secretary Leila De Lima at NBI Director Virgilio Mendez na bigyan sila ng kopya ng digital files ni Luy kung saan umano nakasaad ang mga sangkot sa pork scam.
Sa isang ulat ay lumabas na mas maraming opisyal ang sangkot sa pang-aabuso sa Priority Development Assistance Fund base sa anila'y nakuha nilang kopya sa hard drive ni Luy.
Bukod sa listahan ni Luy, lumabas din ang listahang hawak ni dating senador Panfilo Lacson na nanggaling umano sa asawa ni Napoles.
Nauna nang hiningi ng Senado ang hard drive ni Luy ngunit sinabi ng testigo na hawak na ito ng NBI cybercrime division.
- Latest