MANILA, Philippines - Tila may pinagtatakpan daw sa paglabas ng tatlong bersyon ng umano’y “Napoles List†na katulad din ng nangyaring sabwatan at pagtatakip noong 2005 sa “Hello, Garci†scandal.
Ayon kay United Nationalist Alliance (UNA) secretary general Toby Tiangco, tila binabalik ng Malakanyang ang lumang taktika ng paglabas at pag-imbento ng kuwento para lituhin ang publiko at protektahan ang mga kaalyado nito sa Administrasyon na nakinabang sa P10-billion pork barrel.
“It’s funny that, even without any investigation yet, Malacañang has already cast doubt on all the Napo-lists, but is very consistent in cleaÂring allies of any involvement,†ani Tiangco.
Sa ngayon, ang laman ng “Napoles List†ay naglalarawan umano sa tunay na anyo ng “tuwid na daanâ€.
Lumabas ang iba’t ibang bersyon ng listahan bago pa ilabas ng Department of Justice ang pirmadong Napoles List.
Matatandaang ayaw pang isapubliko ni DOJ Sec. Leila de Lima ang naturang listahan hanggang sa biglang lumabas ang Lacson List at Benhur List, na timing naman upang makapaglikha ang Malakanyang ng iba’t ibang exit scenario.
Ayon kay Tiangco, lalu pang nalagay sa alanganin ang pag-iimbento nila ng “Napoles list†kung saan nasangkot pa ang mataas na opisyal ng gabinete tulad ni Budget Sec. Butch Abad na nabansagang pang “Pork Barrel King†at umano’y “utak†ng PDAF scam.
Dahil dito, naniniwala si Tiangco na ang paglabas ng tatlong bersyon ng “Napoles List†ay gagaÂmitin din ng AdmiÂnistrasyon para takasan ang isyu at sabihing hindi totoo at imbento lamang ang mga pangalan sa listahan.