Pagkamatay ng sanggol ni Rosal 'wag isisi sa amin - AFP
MANILA, Philippines – Wala sa kustodiya ng Armed Forces of the Philippines ang anak ng namayapa nang pinuno ng Communist Party of the Philippines na si Roger Rosal nang mamatay ang bago niyang panganak na sanggol.
Ito ang iginiit ng AFP ngayong Lunes matapos sisihin ng iba't ibang grupo ang pagkamatay ng sanggol sa militar.
Sinabi ni AFP spokesman Brig. Gen. Domingo Tutaan Jr. na hindi napunta sa kanila si Andrea Rosal matapos masakote nitong sa Caloocan City ilang linggo na ang nakararaan.
"Bakit kami i-be-blame eh wala sa amin ang custody nya? It (arrest) was so ordered by the court. Absurd and kanilang kine-claim. She was arrested when she was already seven months pregnant. And bakit sya inaresto kasi may kaso syang murder," pahayag ni Tutaan.
Dagdag niya na binigyan ng atensyong medikal si Adrea nang maaresto dahil sa kanyang kalagayan.
"Yung inaresto siya, seven months pregnant siya."
Sinisi ng kababaihang grupong Gabriela ang AFP sa pagkamatay ng anak ni Andrea sa Philippine General Hospital.
Naka-confine ang sanggol sa Neo-natal Intensive Care Unit ng PGH mula nang ipanganak ito nitong kamakalawa dahi sa hypoxemia o blood oxygen deficiency.
"The AFP and the Aquino government virtually murdered baby Andrea when they refused to grant earlier requests for hospital detention for Andrea," banggit ni Gabriela secretary general Joms Salvador.
- Latest