^

Bansa

Power rates sa probinsya pinakukuwenta uli sa ERC

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbabala ang grupong Bayan Muna na kakasuhan nila sa korte ang Energy Regulatory Commission kung hindi ito magsasagawa ng bagong kalkulasyon sa mga presyo ng kuryente sa mga probinsiya.

Nanawagan si Bayan Muna Rep. Neri Colmenares sa ERC na magsagawa ng recalculation at iutos ang refund sa lahat ng iba pang lugar na apektado ng hindi makatarungang pagtaas ng singil sa kuryente noong Disyembre at Enero.

“Dapat nang gawin ito ngayon ng ERC dahil inflationary ang pagtaas ng halaga ng kuryente at ang recalculation sa mga lalawigan ay magbubunga sa pagbaba ng presyo ng mga bilihin,” sabi pa ng senior deputy minority leader.

“Nakatanggap kami ng report na kabilang sa apektado ng hindi makatarungang pagtaas ng singil sa kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) noong maganap ang Malampaya shutdown ay ang mamamayan ng Pangasinan sa pamamagitan ng Pangasinan Electric Cooperative (PANELCO) 3, mamamayan ng Camarines Sur Electric Cooperative (CASURECO) 2 and 4, at ang buong Camarines Sur,” wika ni Colmenares.

Apektado rin ang mga residente ng Nueva Ecija, Bataan at ilang lalawigan sa Visayas, dagdag pa niya.

vuukle comment

APEKTADO

BAYAN MUNA

BAYAN MUNA REP

CAMARINES SUR

CAMARINES SUR ELECTRIC COOPERATIVE

ENERGY REGULATORY COMMISSION

NERI COLMENARES

NUEVA ECIJA

PANGASINAN ELECTRIC COOPERATIVE

WHOLESALE ELECTRICITY SPOT MARKET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with