^

Bansa

DTI nakatutok sa presyo ng school supply

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakatutok ngayon ang Department of Trade and Industry (DTI) sa pagmo-monitor sa presyo ng mga school supply dahil sa nalalapit na pagbubukas ng klase.

Sa pahayag ni DTI Undersecretary Zenaida Maglaya,  paiigtingin pa nila ang mga  isasagawang surprise inspection sa mga pamilihan lalo na sa Metro Manila partikular sa bahagi ng Divisoria na siyang dagsaan ng mga magulang na namimili ng gamit pang-eskuwela ng kanilang mga anak.

Sinabi ni Maglaya, muli silang magpapalabas ng Suggested Retail Price (SRPs) sa mga susunod na araw para sa school supply na siyang magsisilbing gabay ng mga mamimili at sa pamamagitan nito ay maiwasan rin ang mga overpricing.

Inihahanda na rin ng ahensiya ang ipapakalat nitong Diskwento Caravan  hindi lamang sa Metro Manila kundi sa iba’t  ibang panig ng bansa.

Apela pa ni Maglaya sa publiko, na huwag sayangin ang pagkakataong mamili sa Diskuweto Caravan dahil  nagbibigay ito ng mula 50 hanggang 70 diskuwento sa mga binebentang produkto.

APELA

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

DISKUWETO CARAVAN

DISKWENTO CARAVAN

DIVISORIA

INIHAHANDA

MAGLAYA

METRO MANILA

SUGGESTED RETAIL PRICE

UNDERSECRETARY ZENAIDA MAGLAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with