Freeze order inilabas vs mag-asawang Corona

MANILA, Philippines - Nagpalabas ng freeze order ang Sandigan­bayan laban sa P130.59 milyong ari-arian nina dating­ Chief Justice Renato Corona at asawa nitong si Cristina. Ito ay batay sa writ of preliminary attachment ng Sandiganbayan 2nd Division na pinirmahan ni Associate Justice Teresita Diaz-Baldos.

Nag-ugat ang desisyon sa forfeiture case na isinampa ng Ombudsman sa mag-asawa noong Marso 27. Sa 27-pahinang reklamo ng Ombudsman, sinasabing umabuso sa kanilang kapangyarihan ang mag-asawa kayat nakapagkamal ng hindi maipaliwanag na yaman.

Kabilang sa mga kinukuwestyong yaman ang peso at dollar accounts ng mga ito sa iba’t ibang bangko at mga lupain sa QC at Taguig City.

 

Show comments