NFA administrator Calayag, nag-resign!
MANILA, Philippines - Nagbitiw na sa kaniyang pwesto si National Food Authority (NFA) Administrator Orlan Calayag.
Sinasabing nagpasya itong lisanin ang posisyon upang magkaroon ng free hand si Secretary Kiko Pangilinan na bagong talagang Presidential Assistant for Food Security and Agricultural ModerÂnization (PAFSAM) na pangasiwaan ang NFA hinggil sa pagkakaroon ng sapat na suplay ng pagkain sa bansa.
Si Calayag ang siyang nanguna sa paghabol at unti-unting pagpapatigil sa rampant rice smuggling sa bansa.
Pinasalamatan ni Calayag si Pangilinan at Agriculture Sec. Proceso Alcala sa tiwalang ibinigay sa kanya para tulungan ang mga mangingisda at magsasaka sa bansa.
Tiniyak din ni Calayag na tinatrabaho na niya ngayon ang pagkakaroon ng ‘smooth transition’ sa liderato ng NFA.
Samantala, kinumpirma ni agriculture czar Sec. Francis Pangilinan na nagbitiw na rin sa kanyang puwesto si Philippine Coconut Authority AdmiÂnistrator Euclides Forbes.
Sinabi ni Sec. PangiÂlinan, hihintayin na lamang niya ang aksyon ni Pangulong Benigno Aquino III sa pagbibitiw ng 2 administrador na kapwa mga presidential appointees.
- Latest