MANILA, Philippines - Nagsimula ng kumilos ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno kaugnay ng banta ng El Niño phenoÂmenon na makakaapekto lalo na sa sektor ng agrikultura sa bansa.
Sinabi ni Major Rey Balido, spokesman ng NDRRMC, ang Department of Agriculture ang nangunguna sa aspeto ng agrikultura dahil ang mga magsasaka ang direktang tatamaan ng tagtuyot.
Inalerto rin ang Bureau of Fire (BFP) na nasa ilalim ng Department of Interior and Local Government (DILG) dahil sa mas malaÂking panganib sa sunog sa mga lugar na makararanas ng tagtuyot bunga ng sobÂrang init ng panahon.
Magpapakalat ng impormasyon ang NDRRMC sa publiko lalo na sa pagtitipid sa paggamit ng tubig sa mga kabahayan sa tulong ng mga lokal na opisyal ng gobyerno.
Ayon naman kay Pagasa forecaster Gladys Saludes, inaasahang iinit pa ang panahon sa mga susunod na araw dahil sa pagsisimula ng El Niño na inaasahang magsisimulang maramdaman sa Hunyo.
Sinabi ni Saludes, tanging ang ridge of the high pressure area ang nakakaapekto ngayon sa bansa kaya nagkakaroon ng matinding init na nagpapatuyo sa mga dam.
Nilinaw naman ng Pagasa na thunderstorm lamang ang naitala sa Metro Manila at ilang bahagi ng Luzon ngunit ito ay maituturing lamang na isolated kaya hindi maaasahang makapaghatid ng sapat na tubig sa water reservoir.
Bumuo na ang DA ng Task Force El Niño para magsagawa ng ‘cloud seeding operations’ sa mga lugar na dumaranas ng malaking kakulangan sa tubig partikular na sa mga lupang sakahan at maging ang lokasyon ng water reservoir.