MANILA, Philippines - Tinangka umanong suÂhulan ng P100 milyon ang mga umaresto sa misis ng mastermind ng Aman Futures Group na sangkot sa P12 bilyong pyramiding scam.
Ayon kay Chief Insp. Melvin Montante, Chief ng Intelligence Operation Section (IOS) ng Police Regional Office (PRO) 3, isang nagpakilalang kaÂibigan ng suspek na si Abigail Pendulas ang tumawag para pakaÂwalan ang suspek kapalit ng P100 milyon.
Si Pendulas ay misis ng mastermind ng pyramiding scam na si MaÂnuel Amalilio.
“May tumawag sa CP ni Abigail na inabot niya sa tao ko (SPO1 Jose Santos) na katabi niya, sino raw ba pwedeng makausap dito, pagkatapos na sabihin na name your price, nagbanggit daw yung lalaki ng P100 million,†ani Montante.
Inutos na ni PRO 3 Director P/Chief Supt. Raul Petrasanta na alamin kung sino ang nasabing caller.
Si Pendulas ay nasakote sa kabila na nagparetoke ito ng ilong at nagtago sa pangalang Azziah de Guzman sa operasyon noong Mayo 2 sa Party Place sa Dolores, San Fernando City, Pampanga.
Ang suspek ay inaÂresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Alberto Quinto ng Branch 1, Regional Trial Court ng Iligan City, Lanao del Norte sa kasong syndicated estafa.
Nakapiit ang suspek sa PRO 3 sa Camp Olivas, Pampanga.
Si Amanlilio na may dual citizenship na Malaysian at Pinoy, ang nagtayo ng Aman Futures Group Inc. na nambiktima ng libu-libong mga investors at nagkamal ng aabot sa hanggang P12 bilyon sa pyramiding scam.