Escort nang patayin si Ninoy pumanaw na

MANILA, Philippines — Namatay na ang dating aviation security officer na nakulong noong 1983 matapos patayin si Benigno “Ninoy” Aquino Jr.

Ayon sa isang ulat sa radyo, nasawi si dating M/Sgt. Pablo Martinez noong Lunes matapos masagasaan ng sport utility vehicle sa kahabaan ng Roxas Boulevard.

Sinabi ng anak ni Martinez na si Diomedes na nakaugalian na ng kanyang 78-anyos na amang magbisikleta tuwing umaga.

Dagdag niya na duda siyang aksidente ang naganap at sa tingin niya'y may foul play sa insidente.

Nakalaya si Martinez noong 2007 matapos ang halos dalawang dekadang pagkakakulong nang bigyan ng parole ni dating Pangulo at ngayo'y Pampanga representative Gloria Macapagal Arroyo.

Nang makalaya ay humingi ng kapatawaran si Martinez sa pamilyang Aquino at sa publiko.

Ang pagkamatay ni Aquino ang naging mitsa ng People Power na nagpatalsik kay dating Pangulo Ferdinand Marcos.

Show comments