^

Bansa

Hospital bill ni Napoles ‘di pa bayad

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kahit may desisyon na ang mga doctor at korte sa discharge order ng tinaguriang reyna ng pork barrel scam na si Janet Lim Napoles hindi pa rin ito makakalabas ng Ospital ng Makati (OSMAK) hanggat hindi pa ito nakakabayad ng kanyang bill.

Nabatid na nasa P90,000 na ang bill ni Napoles at kailangang bayaran muna niya ito para makalabas na ito at mailipat na sa kulungan nito sa Fort Santo Domingo, Santa Rosa, Laguna.

Napag-alaman na humirit pa rin si Napoles na mapalawig pa ang kanyang pananatili sa OSMAK.

Ito ay base sa anim na pahinang motion na inihain ng kampo nito sa Makati City Regional Trial Court, Branch 150 sa pamamagitan ng kanyang abogadong si Atty. Fay Isaguirre Singson.

Sa kabila ito ng clearance na ibinigay ng mga doktor ni Napoles na maari na itong i-discharge dahil “fully recovered” na ito.

Ngunit sa mosyon, iginiit na kailangan pang manatili sa pagamutan si Napoles hanggang sa matapos ang serye ng eksaminasyon at check-up sa kanya. 

Nakasaad pa sa motion na kailangan ang complete bed rest ni Napoles upang magkaroon ito ng full recovery at ang lugar ay dapat hygienic, sterile at sanitary na conducive umano para sa isang post-surgery patient.

Itinakda ng korte ang pagdinig ng mosyon sa Mayo14.

FAY ISAGUIRRE SINGSON

FORT SANTO DOMINGO

ITINAKDA

JANET LIM NAPOLES

KAHIT

MAKATI CITY REGIONAL TRIAL COURT

NAPOLES

SANTA ROSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with