MANILA, Philippines - Malamang magkaroon muli ng panibagong lamat ang relasyon sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at China matapos lumabas sa ‘Youtube’ ang ginawang pananakit ng isang intelligence confidential agent ng Bureau of Immigration sa isang babaeng Chinese national na dumating sa NAIA 3 noong Lunes ng gabi sakay ng Cebu Pacific flight 5J 672 galing Beijing, China.
Ayon sa impormasyon, galit diumano ang mga Tsino matapos nilang mapanood sa ‘Youtube’ ang nangyari sa kanilang kababayan.
Matatandaang noong nakaraan linggo lamang ay naayos at napahupa ni Manila Mayor Erap Estrada sa Hongkong ang galit ng mga Tsino doon matapos ang madugong Luneta hostage noong 2010.
Sa ulat, dumating galing Beijing, China si Jiang Huixiang, 38, isang guro. Umangal ang biktima ng usisain ito dahil umano sa pagta-trabaho ng walang working permit sa bansa pero pinagpilitan nito na may tourist visa siya mula pa noong 2012.
Sinuspinde na si Rashid Rangiris, ang on-duty confidential Immigration agent na nahaharap sa admiÂnistrative charges dahil sa hindi pagsunod sa ‘standard operating procedure and code of conduct†nang saktan si Huixiang.
Isang pasaherong Tsino na hindi pinapasok sa bansa at pinababalik sa pinanggalingan nitong lugar ang nakakuha ng video sa pangyayari na diumano’y nag-download sa ‘Youtube’.
Idineport na sa kanilang bansa si Huixiang.