MRT-LRT ticketing system Abaya et al, kinasuhan sa Ombudsman
MANILA, Philippines - Kinasuhan ng graft sa tanggapan ng Ombudsman ng National Federation of Filipino Consumers (NFFC) si DOTC Secretary Jun Abaya at iba pang opisyal ng naturang ahensiya kaugnay ng P1.7-bilyong contactless automatic fare collection system o bagong tickeÂting system ng Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT).
Kasama ni Abaya sa mga kinasuhan sina DOTC Undersecretary Jose Lotilla, Undersecretary Rene Limcaoco, at Usec. Catherine Gonzales na bahagi ng Bids and Awards Committee para sa nasabing proyekto.
Ayon kay Atty. Oliver San Antonio, legal counsel ng NFFC, kumbinsido silang nagkaroon ng anomalya sa pagkapanalo at pag-award ng ahensiya sa AF Consortium sa naturang proyekto dahil may nagawa umano silang mga paglabag hinggil sa mga batas at patakaran sa pagsasagawa ng bidding sa naturang proyekto.
Binigyang diin ni San Antonio na hindi dapat nai-award sa AF Consotium ang naturang proyekto dahil may naka-pending case ito sa gobyerno.
Ipinaliwanag ni San Antonio na may nakabinbing kaso ang DOTC laban sa isa sa mga affiliate ng winning bidder.
- Latest