MANILA, Philippines - Aminado si House Speaker Feliciano Belmonte Jr. na hindi sapat ang paghawak ng gobyerno sa mga kaso ng pagpatay sa mga mamamahayag dahil karamihan ay hindi pa rin nareresolba hanggang ngayon.
Sinabi ni Belmonte na isa ring dating journalist, kailangan na bumuo ng special team ang Aquino administration para matutukan ang media killings at mapanagot ang mga may sala.
Ganito rin ang sentimyento ni Abakada Rep. Jonathan dela Cruz, Independent Minority Bloc member, kung saan isinisi naman nito kay Justice Sec. Leila de Lima ang kakulangan sa mabagal na pagresolba ng kaso ng pagpatay sa journalists sa bansa.
Giit nito hindi na nagagawa ni de Lima ang kanyang tungkulin at masyadong nakasentro ang DoJ sa pork barrel scam at napapabayaan na ang ibang mga kaso.
Dagdag pa ni dela Cruz na dati ring myembro ng media na mahalagang mabalanse ng kalihim ang kanyang atensyon sa lahat ng mga kaso at tigilan na ang sobrang pagsubaybay sa “Napoles Teleseryeâ€.