MANILA, Philippines - Paiimbestigahan ni Sen. Bam Aquino sa Senado ang mabagal na internet connections sa bansa sa kabila ng mahal na ibinabayad ng mga consumers matapos lumabas ang ulat na naÂngungulelat ang Pilipinas sa mga kalapit-bansa sa Southeast Asia pagdating sa bilis ng internet.
Ayon sa isang infographic na inilabas ng ASEAN DNA, ang Pilipinas ay naunahan pa ng (3.6 megabytes per second) Laos (4.0 Mbps), Indonesia (4.1 Mbps), Myanmar, Brunei (4.9 Mbps), Malaysia (5.5 Mbps) at Cambodia (5.7 Mbps).
Kabilang naman sa mga bansa na ang bilis ng internet ay mataas sa ASEAN average na 12.4 Mbps ay Vietnam (13.1), Thailand (17.7) at Singapore.
Gusto ring malaman ng senador kung bakit mas mabilis at mas mura ang internet ng ilang mga kalapit bansa habang nagtitiis ang Pilipinas sa mabagal na koneksyon.
Kadalasan, nagbabayad ang consumer ng P1,000 kada buwan sa internet service na may bilis na hanggang two megabyte kada segundo habang ang ibang telecommunication companies ay naniningil ng P2,000 para sa Internet na may bilis na limang mbps.
“Mahal ito kumpara sa Singapore at Thailand kung saan makikita ang isa sa pinakamabilis na Internet connection sa mundo,†wika ni Aquino.
Ang Singtel na pinakamalaking telecommunications company sa Singapore, ay nag-aalok ng 15 megabytes kada segundo ng Internet speed para sa 36.90 Singapore dollars o P1,312 kada buwan (P87 kada mbps).
Ang True Internet ng Thailand naman ay mayroong 12 mbps ng koneksiyon para sa baÂyad na 799 baht o P1,100 (P92 kada mbps).