MANILA, Philippines — Hindi lamang pagbisita ang naging pakay ni Justice Secretary Leila de Lima sa Ospital ng Makati kung saan naka-confine ang itinuturong nasa likod ng pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles.
Sinabi ni De Lima na nagbigay ng sinumpaang salaysay si Napoles kung saan nakipagkasundo ang negosyante na isisiwalat na ang lahat ng kanyang nalalaman sa pork barrel scam.
Binigay ni Napoles ang kanyang affidavit bago siya operahan para matanggal ang bukol sa kanyang matris mamayang gabi.
Kaugnay na balita: De Lima binisita si Napoles sa OsMak
"She will be undergoing surgery so ang pinaka-request niya, that's why I had to see her na rin, because ang sabi niya she needs to talk to us and tell what she knows before siya mag-undergo ng surgery," wia ni De Lima sa kanyang panayam sa ABS-CBN News.
"When you go through a medical procedure, anything can happen. That's why she insisted, she really pleaded to talk to me," dagdag niya.
Hindi na sinabi pa ni De Lima ang laman ng testimonya ni Napoles na nais maging state witness sa pang-aabuso sa Priority Development Assistance Funds scam.
Kaugnay na balita: Enrile, Revilla, Estrada dawit sa affidavit ni Napoles
"There's no commitment on our part to consider her as state witness because we need first to evaluate ang kanyang statement," banggit ni De Lima.
Nauna nang sinabi ni De Lima na mas gugustuhin niyang maging testigo si Napoles dahil mas marami itong nalalaman.