MANILA, Philippines – Magkasama sa tuktok ang graduate ng De La Salle University at Mapua Institute of Technology sa inilabas na resulta ng Chemical Engineer Licensure Examination.
Inanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) ngayong Martes na nakakuha ng 81.8 percent sina Justin Donn Sales Mulingtapang ng DLSU at Von Joby Manaloto Romero ng Mapua upang pangunahan ang 242 bagong Chemical Engineers.
Sumunod kina Mulingtapang at Romero sina Leslie Villamor Adolfo ng University of San Carlos (81.5 percent), Rick Allan Rabara Chua ng University of the Philippines Los Baños (81.3 percent), John Philip Domondon Garcia ng Mapua (81.3 percent), Charmaine Santos Pinlac ng Mapua (81.3 percent) at Kevin Ignatius Poloyapoy Tan Kim Kiat (DLSU).
Ibinigay ang pagsusulit nitong buwan din lamang kung saan 438 ang kumuha.
Nakatakda ang registration para sa bigayan ng Professional Identification Card (ID) at Certificate of Registration sa Abril 28 at 29, 2014 ayon pa sa sa PRC.
Kinakailangang magdala ng mga pumasa ng Panunumpa ng Propesyonal, Cedula, isang pirasong passport size picture (colored with white background and complete nametag), two sets ng metered documentary stamps at isang brown envelope na may pangalan at propesyon; at bayad sa Initial Registration Fee na P600 at Annual Registration Fee na P450 para sa taong 2014-2017.
Narito ang kumpletong listahan