De Lima binisita si Napoles sa OsMak

Justice secretary Leila de Lima at negosyanteng si Janet Lim-Napoles.

MANILA, Philippines - Binisita kagabi ni Justice Secretary Leila de Lima ang kontrobersyal na negosyanteng si Janet Lim-Napoles sa Ospital ng Makati.

Dumating bandang alas-11 ng Lunes ng gabi si De Lima sa OsMak kung saan nakatakdang operahan si Napoles mamayang gabi.

Tumagal ng apat na oras ang kalihim sa ospital at umalis bandang alas-3 ng madaling araw.

Kaugnay na balita: Napoles ooperahan Martes ng gabi

Nauna nang inihayag ni De Lima na nais niyang maging state witness si Napoles sa pork barrel scam kaysa sa abogado at dating chief of staff ni Senador Juan Ponce Enrile na si Gigi Reyes.

Bumalik ng bansa si Reyes nitong nakaraang linggo upang harapin ang mga kaso laban sa kanya.

Ilang buwang nagtago si Reyes sa Amerika bago pa man pumutok ang isyu sa pang-aabuso sa Priority Development Assistance Fund.

Nakatakdang operahan si Napoles upang tanggalin ang bukol sa kanyang matris.

Show comments