^

Bansa

Gigi Reyes bumalik na

Malou Escudero at Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bumalik na sa bansa ang dating chief of staff ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile na si Atty. Jessica Lucila “Gigi” Reyes na kabilang sa mga nahaharap sa kasong plunder kaugnay sa P10 billion pork barrel fund scam.

Dumating si Atty. Reyes kahapon ng alas-4 ng madaling araw sa NAIA terminal 2 lulan ng PR-105 mula sa San Francisco.

“I’m facing the char­ges. I’ve always faced it,” paniniguro ni Reyes matapos makapanayam sa pagdating nito sa NAIA.

Ikinatuwan naman ng Malacañang ang pagbabalik sa bansa ni Reyes at hinikayat ito na sabihin na ang lahat ng kanyang nalalalaman sa pork barrel scam.

Ayon naman kay Sen. Grace Poe, ang buong bayan ay nag-aabang sa katotohanan at dapat lamang suportahan ang mga magsusulong nito para sa interes ng mga mamamayan.

“Our countrymen clamor for the truth and expect its unsullied exposition in pursuit of the nation’s highest inte­rest. Together we should encourage and support those who will champion the truth and those who will favor the public good,” sabi ni Poe matapos mapaulat na bumalik na sa bansa si Reyes kahapon.

Nauna ng hinikayat ni Sen. Miriam Defensor-Santiago si Reyes na bumalik sa bansa at tumestigo laban sa kanyang dating boss.

Sinabi pa ni Santiago na maaaring maging state witness si Reyes laban kay Enrile na kabilang sa tatlong senador na nahaharap sa pork barrel fund scam.

Umalis si Reyes ng bansa noong Agosto 2013 sa kasagsagan ng im­bestigasyon sa pork barrel scam.

Bukod kay Reyes at Enrile, nahaharap din sa kasong plunder sina Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Bong Revilla at ang itinuturong utak ng pork scam na si Janet Lim-Napoles.

Ayon sa mga testigong humarap sa pagdinig ng pork scam, si Reyes ang pumapasok sa mga transaksiyon para sa pork barrel funds ni Enrile na inilagay sa mga pekeng non-government organizations ni Napoles.

Napaulat rin na nagkaroon ng “special” na relas­yon sina Enrile at Reyes bagaman at mariin itong itinatanggi ng senador.

vuukle comment

AYON

BONG REVILLA

ENRILE

GRACE POE

JANET LIM-NAPOLES

JESSICA LUCILA

JINGGOY ESTRADA

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

REYES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with