MANILA, Philippines - Nanawagan kahapon ang grupong Greenpeace sa pamahalaan na aksyonan ang pagkalat sa kapaligiran ng mga lumang transformers na gumagamit ng plychlorinated biphenyls.
Ayon sa environment group, tinatayang 7,000 tonelada nito ang malamang kumalat sa kapaligiran. Inalerto ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) kaugnay ng problema.
Kapag hindi napigil ito, tiyak umano na magbubunga ng matinding kalamidad pagdating ng araw. Noon pang 1970s na-phased out ang sangkap na ito, pero mayroon pang mga lumang gusali at pasilidad na namamahagi ng elektrisidad na nag-iingat ng mga lumang kasangkapang may ganyang sangkap.
Ayon sa mga eksperto, nagdudulot ito ng cancer, at depekto sa mga isinisilang na babies. Maaaring maapektuhan ang mga taong exposed sa mga contaminated oils sa lupa at tubig. Puwede ring maapektuhan kapag nakakain ng mga lamang dagat na nakakain ng naturang kemikal.
Nagtayo na raw ang DENR at United Nations Industrial Development Organization (UNIDO) ng treatment facilities sa industrial park ng Philippine National Oil Company (PNOC) sa Bataan na natapos na noong 2010. Pero nagtataka ang mga eksperto sa environment na hangga ngayon ay hindi nag-o-operate ang proyektong ginugulan ng gobyerno ng P150 million para rito.