^

Bansa

NAIA todo higpit sa MERS virus

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Todo higpit ang seguridad sa mga international terminals sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para tutukan ng husto ang mga dumarating na mga pasahero kaugnay sa posibleng kaso ng Middle East Respiratory Syndrome Coronavirus (MERS), matapos mapaulat na may dalawang OFW ang sinasabing namatay dahil sa sakit na ito.

Halos 24/7 ginagamit at nakatutok ang thermal scanner sa mga arriving passenger partikular ang mga galing Gitnang Silangan na minamanmanan ng mga miyembro ng airport medical staff sa pakikipag-ugnayan sa Department of Health para tugunan ang mga pasaherong may lagnat at maiwasan makapasok at mabigyan ng agaran lunas ang may MERS Coronavirus na galing sa nasabing lugar.

Ikinasa ang heigh­tened surveillance sa mga pa­liparan sa bansa para matiyak ang kaligtasan ng riding public. 

Ayon sa impormasyon, maaring nagtataglay ng MERS Coronavirus ang pasahero na may sipon. nahihirapan huminga, lagnat, nagtatae, ubo at pneumonia kung galing ito sa Gitnang Silangan.

Sabi sa ulat, ang MERS Coronavirus ay maaring makuha sa pamamagitan ng pag-ubo o pagbahing ng isang taong may sakit nito o kaya sa pamamagitan ng direct contact halimbawa ay pagkamay o lips-to-lips at paggamit ng mga utensil galing sa taong may sakit ay puede rin mahawa.

Upang makaiwas aniya sa virus,  pinaalalahanan ni DOH Usec. Eric Tayag ang publiko na ugaliing maghugas ng kamay, iwasang humawak sa mukha upang hindi kumalat ang sakit.

AYON

DEPARTMENT OF HEALTH

ERIC TAYAG

GITNANG SILANGAN

IKINASA

MIDDLE EAST RESPIRATORY SYNDROME CORONAVIRUS

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with