MANILA, Philippines - Tumataginting na $11 milyon ang hinihinging ransom sa isang turistang Chinese na kinidnap ng mga pinaghihinalaang bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa isang diving resort sa Sabah.
Sa report na ipinaÂrating sa Defense department at AFP ni Malaysian Home Minister Hamidi, sinabi nito na kumontak na ang mga kidnapper sa pamilya ng Chinese tourist na si Gao Hua Yuan at hinihingi ang nasabing halaga ng ransom kapalit ang kalayaan ng bihag.
Sa kasalukuyan ay nakikipagnegosasyon na umano sa pamamagitan ng emisaryo ang pamilya ni Yuan sa mga kidnaper para sa kalayaan nito.
Si Yuan, 29, ng Shanghai, China ay dinukot ng mga armadong Abu Sayyaf kasama ang Pinay resort staff na si Marcy Dayawan sa Singamata Reef Resort sa Sabah nitong Abril 2.
Una rito, tinukoy ni AFP Public Affairs Office Chief Lt. Col Ramon Zagala na ang grupo ni Abu sub-commander Murphy Ambang Ladjia ang nasa likod ng pagbihag kina Yuan at Dayawan.
Ang dalawang bihag ay pinaniniwalaang tinaÂngay sa bahagi ng mga isla ng BASULTA (BaÂsilan, Sulu at Tawi-Tawi) area.
Ang grupo ni Ladjia ang sangkot din sa pagÂbihag ng 21 katao na karamihan ay mga Europeans sa Sipadan Resort sa Sabah noong Abril 2000.