Domeng magla-landfall sa Sabado
MANILA, Philippines - Hindi pa rin gumagalaw ang bagyong Domeng sa kinaroroonan nito.
Kahapon ng umaga, si Domeng ay huling namataan sa layong 340 kilometro silangan hilagang-silangan ng Hinatuan Surigao del Sur taglay ang lakas ng hangin na 55 kilometro kada oras malapit sa gitna.
Kapag napanatili ni Domeng ang kanyang lakas, direksyon at bilis ay inaasahang magla-landfall ito sa darating na Sabado sa may Eastern Visayas.
Kahapon, ang Caraga, central at Eastern Visayas ay makakaranas ng kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog. Wala pa namang nakataas na babala ng bagyo sa anumang bahagi ng ating bansa.
- Latest