Tuason, Gigi Reyes umapela sa Ombudsman

File Photo

MANILA, Philippines – Naghain ng motion for reconsideration ang mga inakusahang may kinalaman sa pork barrel scam na sina Ruby Tuason at dating chief of staff ni Senador Juan Ponce Enrile na si Gigi Reyes.

Sa pamamagitan ng abogado na si Dennis Manalo ay naghain ng mosyon si Tuason.

Kasalukuyang nasa labas ng bansa si Tuason upang kumpletuhin ang perang ibabalik sa gobyerno na umano’y kinita niya sa pork scam.

Kaugnay na balita: Ombudsman kakasuhan ng pandarambong sina Enrile, Revilla, Estrada at Napoles

Nakabinbin din ang petisyon niya upang maisailalim sa Witness Protection Program.

Naiulat din na umapela rin si Reyes sa desisyon ng Ombudsman sa pamamagitan ng isang mensahero.

Hanggang sa ngayon ay nasa labas ng bansa si Reyes.

 

Show comments