MANILA, Philippines - Nagbabala si Bayan Muna Rep. Neri Colmenares kay Transportation and Communications Secretary Jun Abaya at Metro Rail Transit (MRT) General Manager Al Vitangcol III na ipapa-contempt kapag hindi sumipot ang mga ito sa pagdinig sa Kamara.
Kasabay nito hinikayat din ni Colmenares si Czech Ambassador to the Philippines Josef Rychtar at Inekon Group CEO at chairman Josef Husek na dumalo sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability at isiwalat ang kanilang nalalaman tungkol sa umano’y $30 million extortion attempt para sa karagdagang coaches ng MRT.
Ipapatawag din sa pagdinig si Wilson de Vera ang umanoy “sugo†ni Vitangcol dahil sa mahalagang papel umano nito sa nasabing kaso.
Sa tingin ni Colmenares, mayroon umanong makapangyarihang puÂwersa mula sa Malacañang ang nagpipilit na itago ang tunay na katotohanan sa naturang isyu subalit hindi pa rin umano malinaw kung gaano kataas konektado ang mga sangkot dito.
Giit ng mambabatas, dapat harapin nina Abaya at Vitangcol sina Amb. Rychtar at Inekon upang lumabas ang katotohanan dahil masyadong nakaÂkabahala na nagdurusa ang mga commuters sa palpak na serbisyo ng MRT management kaya posibleng sangkot din ang mga opisyal ng DOTC at MRT sa extortion case at rigged biddings dahil alam ng mga ito na magreresulta ito sa pagtaas ng pasahe sa MRT at LRT.
Nanawagan din sa liderato ng Kamara si Colmenares na madaliin ang pagdinig kahit naka-break ang Kongreso at kahit na ang sangkot dito ay kapwa opisyal ng Liberal Party.
Nilinaw naman ng Malacañang na mismong ang Czech ambassador ang naglinis sa pangalan ni Presidential sister Ballsy Cruz mula sa sinasabing extortion try para sa MRT project.
“The Czech Ambassador has already earlier on declared that [Ballsy] is not involved in the issue,†wika ni Communications Sec. Herminio Coloma Jr.
Una rito ay inakusahan ni Rychtar na pinoprotektahan ang ilang personalidad na sangkot sa tangkang pangingikil na ito partikular si Vitangcol.