MANILA, Philippines - Sa gitna ng pagtutol ng Aksiyon Klima sa pagpapatupad ng 40 meter ‘No-Build Zone’ policy sa mga baybayin ng karagatang sinalanta ng bagyong Yolanda, ipinaalala kahapon ng Malacañang na lalong lumalakas ang kalamidad na dumarating sa bansa kaya kinakailaÂngan ding i-adjust ang polisiya ng gobyerno.
Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, sinumang nakaranas ng hagupit ng bagyong Yolanda ay maiisip na dapat ng i-modernisa at i-upgrade ang mga polisiya sa gitna na rin ng climate change.
Pero agad ding nilinaw ni Valte na nagkakaroon pa rin ng konsultasyon tungkol sa nasabing polisiya tungkol sa kung gaano ang haba ng lugar mula sa baybayin ng karagatan na hindi puwedeng pagtayuan ng anumang uri ng istruktura.
Ikinababahala umano ng grupong Aksyon Klima ang kawalan ng konsultasyon ng gobyerno sa mga residente at mga eksperto sa lugar.
Kabilang umano sa pangamba ng mga residente ang posibilidad na mawalan sila ng hanapbuhay at kabuhayan kapag nasakop ng 40-meter “No-Build Zone†policy ang kanilang tirahan.
Pero ayon kay Valte, kasama sa pinag-aaralan ng Department of Environment and Natural Resources ang nasabing ‘concerns’ ng mga mamamayan at patuloy pa rin naman ang ginagawang pakikipag-usap sa mga maaapektuhan.
Sa ngayon aniya ay mas prayoridad ng gobyerno ang kaligtasan ng mga mamamayan lalo na ’yong mga nakatira sa mga mabababang lugar.