^

Bansa

Anti-Graft group may hiling kay Roxas

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hiniling kahapon ng Movement Against Graft and Abuse of Power kay Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na hilingin sa Supreme Court ang pagbalewala sa proklamasyon ni Vice President Jejomar Binay noong 2010.

Ito ay dahil umano sa iligal na paglilipat ng 90,000 Precinct Count Optical Scanner (PCOS) machines ng Commission on Elections (Comelec) sa isang bodega sa Laguna.

Ipinaalala ng MAGAP kay Roxas na meron pa siyang nakabimbing protesta laban kay Binay sa Presidential Electoral Tribunal kaugnay sa naganap na vice presidential election noong 2010.

Sinabi ng MAGAP na walang clearance ng PET ang paglilipat ng mga PCOS kaya iligal ito.

Ipinaliwanag ni ­Jonas Siniel ng MAGAP na ang naturang PCOS ang nakakabasa ng resulta sa compact flash card na saklaw ng protesta ni Roxas pero inilipat ito ng Comelec mula sa orihinal nitong bodega.

Wala anyang nakakabatid kung nadaya na ang naturang mga PCOS at agrabyado ang kampo ni Roxas sa iligal na gawaing ito.

Mayroon anyang legal na personalidad si Roxas upang hilingin sa Supreme Court na ibasura ang proklamasyon ni Binay bilang nahalal na bise presidente noong 2010.

 

BINAY

COMELEC

JONAS SINIEL

MOVEMENT AGAINST GRAFT AND ABUSE OF POWER

PRECINCT COUNT OPTICAL SCANNER

PRESIDENTIAL ELECTORAL TRIBUNAL

ROXAS

SUPREME COURT

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with