^

Bansa

‘Boy spray’ taxi driver gumagala

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbabala ang Manila Police District (MPD) laban sa gumagalang taxi driver na tinaguriang ‘Boy Spray” na ang modus operandi ay pumik-ap ng solong pasaherong babae o lalaki na tatangayan ng mahalagang gamit at salapi, sa pamamagitan ng pag-iisprey ng kemikal sa loob ng taxi na may pampahilo.

Ang babala ng MPD ay kasunod ng pagdulog sa Gene­ral Assignment Section ni  Jemimah Cristel Umengan, 19, estudyante at residente ng no. 1834 Donada St. Gil Puyat, Pasay City.

Sa reklamo ni Umengan, sakay siya ng  taxi na may plakang  TXD-102 noong Marso 28 (Biyernes) alas 6:30 ng hapon, kung saan siya nakaramdam ng pagkahilo sa chemical spray na ginamit ng driver nang siya ay pumasok sa taxi.Habang nasa erya pa lamang ng Malate ay nakita niyang may inisprey ang driver at nakaramdam siya ng hirap sa paghinga at medyo nahilo kaya hindi na nagtanong at agad nagdesisyong bababa ng taxi. Nang makababa ay mabilis umanong pinaharurot ng driver ang taxi palayo subalit nagawa namang kunin ng biktima ang plate number.

Ayon kay SPO2 John Cayetano,ng MPD-GAS, modus operandi umano ito ng mga kawatan na taxi driver una ay para manakawan ang biktima niya o di kaya ay mapagsaman­talahan.

Payo ng MPD, piliin ang sasakyang taxi, kunin ang plate number at body name at agad itext sa kaibigan, kaanak o kakilala para sa proteksiyon. 

 

ASSIGNMENT SECTION

AYON

BOY SPRAY

DONADA ST. GIL PUYAT

JEMIMAH CRISTEL UMENGAN

JOHN CAYETANO

MANILA POLICE DISTRICT

PASAY CITY

TAXI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with