Libreng aral ng foreign languages binuksan ng Tesda

MANILA, Philippines - Inanunsiyo ng Malacañang na bukas na para sa lahat ng mga interesado na makapag-aral ng libre ng iba’t ibang mga dialects ang Technical Education and Skills Development Authority ngayong taon.

Ayon kay Deputy Pre­sidential Spokesperson Abigail Valte, sinumang interesado ay maaring magtungo sa TESDA sa pamumuno ni Director-General Joel Villanueva.

Kabilang sa mga lib­reng diyalekto na maaring mapakinabangan ng mga kababayan ay ang Mandarin, Spanish, Nihongo at Arabic.

Layunin ng libreng pag-aaral sa iba’t ibang foreign languanges na makatulong sa mga kababayan na mangi­ngibang bansa para sa mabilis na paghahanap ng trabaho.

Sa sinumang mga interesado ay maaaring makipag-ugnayan ang mga ito sa pinakamalapit na tanggapan ng TESDA regional offices.

May mga iskedyul na rin umanong nakapaskil sa mga tanggapan ng ahensiya na maaring ma-avail ng mga mamamayan.

Show comments