Private docs pinili ni Napoles na gumamot, mag-opera sa kanya

Janet Napoles

MANILA, Philippines - Mga private doctor ang pinili ni Janet Lim Napoles na tumingin at mag-opera sa kanya sa Ospital ng Makati.

Nilinaw ng abogado ni Napoles na si Atty. Faye Singson na kahit sa nabanggit na ospital mako-confine ang tinaguriang reyna ng P10 billion pork barrel scam, hindi mga doktor dito ang gagamot sa una.

Nais sana ni Atty. Singson na madala na kaagad ang ginang sa naturang pagamutan dahil delikado na aniya ang kalagayan nito.

Subalit hanggang sa ngayon aniya ay  wala pa ring hakbang ang Phi­lippine National Police (PNP) kung kailan dadalhin sa OSMAK si Napoles.

Sinabi ni Singson, apat hanggang anim na doktor ang titingin sa ginang na pinili nito.

Dadaan muna sa ope­rational tests si Napoles bago isagawa ang operas­yon dito.

Si Napoles ay oope­rahan dahil sa bukol nito sa matris matapos itong payagan ni Judge Elmo Alameda, ng Makati City Regional Trial Court, Branch 150.

Muling giniit ng abogado ni Napoles na walang gagastusin ang gobyerno hinggil sa pagpapa-opera nito dahil maghati-hati sa bayarin ang mga kaanak nito.

 

Show comments