^

Bansa

Sore eyes, heatstroke uso uli

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpaalala ang PAGASA sa publiko na palagiang magdala ng inuming tubig at mga pananggalang sa init ng araw tulad ng payong upang makaiwas sa mga sakit dala ng tag-init gaya ng heatstroke, sore eyes, asthma at iba pang respiratory illnesses gayundin ng mga sakit sa balat tulad ng bulutong, bungang araw at iba pa.

Naitala kahapon sa Metro Manila ang 34 degrees celsius na init ng temperatura samantala 35°C sa Tuguegarao, Cagayan at 24°C naman sa Baguio.

Sinabi ni Connie Dadivas, weather forecaster ng PAGASA na kailangang mag-ingat sa kalusugan ang mamamayan dahil sa posible pang pag-init ng panahon sa bansa na maaaring umabot pa ng 36°C sa susunod na buwan ng Abril sa MM.

Binigyang diin ni Dadivas na tuluyan nang umalis ang amihan sa bansa at napalitan ng hangin na mula sa silangan sa may Dagat Pasipiko o easterlies kayat matindi ang init na napupunta sa ating bansa.

Malamang anyang abutin pa ng hanggang sa mga unang linggo ng Hunyo ang panahon ng tag-init.

Niliwanag din ni Dadivas na nagkaroon lamang ng makulimlim na panahon sa MM at ibang bahagi ng bansa kahapon dulot ng mga kaulapan sa himpapawid pero wala silang namamataang sama ng panahon.

ABRIL

BINIGYANG

CONNIE DADIVAS

DADIVAS

DAGAT PASIPIKO

HUNYO

INIT

MALAMANG

METRO MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with