Kasal kay Heart uunahin ni Chiz kaysa 2016 polls

MANILA, Philippines - Mas uunahin pa ni Senator Francis “Chiz” Escudero ang pagpaplano sa kasal nila ng kasintahang si Heart Evangelista kaysa sa pagtakbo sa mas mataas na posisyon sa 2016.

Sa panayam sa tele­pono, sinabi ni Escudero na wala siyang balak na makipag-sabayan sa mga naghahanda na para sa 2016 national elections.

Puwede pang mas magkaroon ng wedding announcement kaysa sa pagsabak sa mas mataas na posisyon sa susunod na eleksiyon, wika ni Escudero.

Nauna nang kinumpirma ni Escudero na pinag-uusapan na nila ni Heart ang tungkol sa kanilang planong pagpapakasal.

Kabilang naman sa mga nagpahayag na ng intensiyon na tumakbo sa 2016 elections sina Vice President Jejomar Binay at Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano.

Kinumpirma naman ng Liberal Party na si DILG Sec. Mar Ro­xas ang magiging stan­dard bearer nila sa 2016 pre­sidential elections­.

Show comments