MANILA, Philippines - Sinampahan kahapon sa Ombudsman ng kasong plunder at katiwalian ang kasalukuyang presidente at daÂting presidente ng Home Guaranty Corporation.
Sinabi ng abogadong si Alan Paguia na nilabag umano nina HGC President Manuel Sanchez at dating presidente ng HGC na si Gonzalo Benjamin ang ‘Plunder Law’ (RA 1080) at ang RA 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) na siya rin umanong mga dahilan kung bakit lubog na ngayon sa higit P12.77 bilyon pagkautang ang nasabing korporasyon.
Bilang ebidensiya, binanggit ni Paguia sa kanyang reklamo ang mga ‘audit report’ ng Commission on Audit (COA) mula 2009 hanggang 2011 patungkol sa operasyon at pamamahala ng HGC sa ilalim ni Bongolan at Sanchez.
Aniya pa, nagdesisÂyon siyang isampa ang reklamo dahil higit na malaki kumpara sa P10-billion ‘pork barrel scam’ ang halagang nalulustay sa HGC batay na rin sa pagbusisi.
“Mas malaking pera ng bayan ang naubos. Halos P13 bilyon ang nalulustay sa HGC,†sabi ni Paguia.
Sinabi pa ni Paguia na may 13 insidente kung saan natukoy ng COA ang umano’y mga naÂging pang-aabuso sa puwesto at kapangyarihan ni Sanchez at 10 inÂsidente naman sa termino ni Bongolan.
Itinalaga ni Pangulong Aquino si Sanchez bilang presidente ng HGC noong Setyembre 2010 kapalit ni Bongolan.
Si Bongolan naman ay kasalukuyang bise-presidente ng Philippine Commercial Capital Inc. (PCCI) at ilang beses na ring nakaladkad sa Ombudsman sa bintang na katiwalian sa panahon ng kanyang termino sa HGC.
Sa reklamo ni Paguia, kabilang sa mga nabisto ng COA sa panahon ni Bongolan ang pagbili ng mga ‘private shares of stocks and bonds’ mula sa halagang P3 milyon na itinaas pa nito sa higit P734 na labag sa HGC Act 2000.