Ex-FG pinayagang bumiyahe sa Japan

MANILA, Philippines - Pinayagan ng Sandiganbayan na makapag- travel papuntang Japan si dating first gentleman Mike Arroyo mula March 29-April 4,2014 para magbakasyon doon.

Gayunman, pinagbabayad ng graft court si Mr. Arroyo ng P90,000 bilang travel bond para makalabas ng bansa sa naturang araw.

Wala naman partikular na dahilan ng pagpunta ni Arroyo sa Japan kundi ang magbakasyon lamang.

Bawal magpunta sa ibayong dagat si Arroyo dahil sa kinasasangkutan nitong kasong plunder na may kinalaman sa  ZTE broadband deal.

Show comments